Last year, pauwi ako galing trabaho sa Quezon Avenue. Nasa may Taft ako noon tapos may nakita akong biker na na-aksidente. Nilapitan ko kasama ng ibang tao. Naka-kulay pula na damit at may helmet na itim, siguro galing trabaho rin. May malaki siyang hiwa sa mukha at ang dami niyang dugo sa katawan. May sumigaw sa akin, “tumawag ka ng ambulansya.” Natakot ako kaya umalis at nag-bike na lang ulit ako pauwi.
Pagkatapos ng ilang araw, nabalitaan ko sa Facebook na sumabit pala ‘yung gulong niya sa butas ng kalsada tapos nahagip siya ng mabilis na sasakyan. Hit and Run. Dead on arrival. Natakot na ako mag-bisikleta.
Dahil sa pandemic, nag-bike ako ulit kasi ang hirap sumakay. Mas maayos na ngayon kasi may bike lanes kahit paano, pero minsan nawawala at hindi lahat ng daan ay meron. Madami pa ring butas na delikado. Ingat na lang talaga.
Isang beses, may biker akong nakasabay sa daan. Nakipag-kwentuhan siya. Masarap mag-bike kapag chill lang ang pace at may kasama. Pagdating namin sa stoplight malapit sa hospital, binulungan niya ako: “next time, kapag sinabihan kang tumawag ng ambulanysa, tumawag ka na ng ambulansya.”
Naka-kulay pula siya na damit at itim na helmet. Bigla kong napansin ‘yung hiwa sa mukha niya. Nag-green ang traffic light. Pumedal siya palayo at hindi ako nakagalaw.
…
Disclaimer: This story is a work of fiction made for Halloween. However, speeding cars, unprotected bike lanes and cracks on the road are real-life horror stories for cyclists in the Philippines.
Happy Halloween!